o1. Pick your birth month.
o2. Strike out anything that doesn't apply to you.
o3. Bold the five-ten that best apply to you.
o4. Copy to your own journal, with all twelve months under an LJ-cut
( SEPTEMBER )Mga explanasyonSuave and
compromising. Marunong ako makibagay. Ika nga nila, napaka-flexible kong tao. Kahit sinong tao ipaharap mo sa akin, siguradong magkakasundo kami.
Careful, cautious and organized. Maingat ako. OC nga raw eh. Yung tipong magkamali lang ng isang letra sa pagsusulat ng notes, punit na kagad yung pahina ng notebook. Nasasayang nga raw sa akin ang mga puno sa Earth eh.
Likes to criticize. Takte, normal na sa akin ito. Deal with it kung ayaw mo mapaaway sa akin. Napaka-striaghtforward kong tao. Sinasabi ko talaga yung mali ng mga tao, mga ayaw ko sa kanila ng diretsuhan. Pero medyo marunong na akong mag-daan ng criticisms ngayon sa pasakalye.
Stubborn. Ay hinde naman ako masyadong stubborn. May mga pagkakataon lang kasi sa tingin ko ay may magagawa naman yung pagsuway ko. Pero madalas, sumusunod ako.
Quiet but able to talk well. I'm never quiet. Sorry. Pero ang pagiging P.R.O ko at ang mga experiences ko sa pag-eemcee sa mga programs ang nagpapatunay dito.
Calm and cool. Sa unang tingin, mukha raw akong kalmado, mabait at hindi nagagalit. Siguro applicable din ito kapag tulog ako.
Kind and sympathetic. Maraming kaibigan ko ang nagsabi na ako ay mabait. First impression sa akin lagi, hindi marunong magalit. Akala lang nila 'yun. Supladita kong ito! Hahaha. Atsaka isa rin daw ako sa pinaka-generous nilang naging kaibigan. (: Salamat sa mga nag-sabi noon sa akin. Sympathetic? Depende sa sitwasyon. Pero, ayon kay Pish, ako ay may talento sa pag-coconsole.
Concerned and detailed. Grabe, dapat yata pakialamera na at hindi concerned. Kasi pati kaliit-liitang detalye, binibigyan ko yata ng pansin. OC nga raw ako, di ba?
Loyal but not always honest. Oo, totoo loyal ako. Loyal sa kaibigan. Kahit nga ginagag* na ko ng kaibigan ko, hindi ako nawawalan ng pag-asa na makakasundo ko siya ulit, dahil kaibigan nga. Pagdating naman sa honesty, lahat naman ng tao nag-sisinungaling hindi ba? Pero more often than not, nagsasabi naman ako ng totoo. Lalo na sa magulang ko, ayaw ko silang niloloko. Kasi mahirap nang hindi ka pagkatiwalaan ng magulang mo.
Does work well. Kapag gusto ko, I'm giving it my all. Kaya paid off lagi kapag seryoso ako sa mga trabahong ginagawa ko.
Very confident. Enough said. (:
Sensitive. Ingat lang kayo minsan sa mga sinasabi niyo. Kahit prangka ako, mahina naman ako sa mga nang-ookray sa akin.
Away toooohh!Good memory. Clever and knowledgeable. Naku, sa mga birthdays, ordinary days, mga pangalan ng tao, itsura ng tao pati sa acads madali akong nakakatanda. 'Wag lang talaga History ang papa-memorize mo sa akin. (Kaya ako nagtataka kung paano ako naka 1.25 sa HistoryI namin eh. Sa bagay, todo kayod naman talaga ko sa pagsusunog ng kilay diyan.)
Loves to look for information. Dahil nga usisera ako, mahilig din ako sa ganito.
Must control oneself when criticizing. Dahil mapapaaway ako kung hindi.
Able to motivate oneself. Kung kaya ko bigyan ng words of wisdom ang ibang tao, siyempre dapat sarili ko rin.
Understanding. Oo. Dahil compromising nga ako, dapat maintindihan ko ang mga sitwasyong nakahain sa akin, hindi ba?
Fun to be around. Enough said ulit. Sabog ako kasama. Punch lines ko raw, pamatay. Pero pag wala sa mood (i.e badtrip, malungkot, pagod) corny daw talaga ako bumanat o kaya walang natatawa.
Secretive. Yun 'yon eh. Hindi talaga ako vocal with emotions.
Loves leisure and traveling. Kahit mag-isa lang ako, nakakagala ako. Basta may pera. Haha.(: Daliii, Bora naman tayo oh!
Hardly shows emotions. See secretive.
Tends to bottle up feelings. Ditto.
Very choosy, especially in relationships. Mapili ako talaga. Tapos kapag gusto ko lahat yung nakahain na choices, nagiging indecisive ako.
Systematic. Oo. May systema akong sinusunod. Parang naka-inculcate na siya sa body clock ko.
*//
Nakuha ko ito kay
TrinzKung mapapansin niyo, walang naka-slash. lahat kasi nag-aapply sa akin eh. (: kaya lang, yung naka-bold, yun yung obvious qualities ko. (: Intereseting ano?